Kailangang ibalik ng mga magulang ni Reynaldo de Guzman alyas Kulot ang bangkay na natagpuan sa isang sapa sa Nueva Ecija.
Ayon sa PNP, hindi si Kulot ang bangkay na pinaglalamayan ng kanyang mga kaanak batay sa DNA test.
Isa pa sa nagpatibay sa paniniwala ng PNP ay ang sinabi ng kapatid mismo ni Kulot kaugnay ng natagpuang bangkay sa Nueva Ecija.
Tinuligsa naman ng PNP ang mga pahayag ng Public Attorneys Office, kinuwestyon ng PNP kung ano ang mandato ng PAO kaugnay sa mga ganitong kaso.
Ayon naman sa PAO, may obligasyon sila sa pamilya na ipagtanggol ang kaso ng mga ito, bahagi ng case build up kung sila man ay nagsasagawa ng forensic analysis at hindi ito labag sa kanilang mandato gaya ng sinasabi ng PNP.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: bangkay, Nueva Ecija, PNP