Banggaan ng motor at tricycle sa Bulacan, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 10, 2016 (Monday) | 1286

nestor_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng motosiklo at tricycle sa kahabaan ng Mc Arthur Highway sa Barangay San Juan, Balagtas, Bulacan noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na si Victor Estrellana na nagtamo ng hiwa sa noo at kaliwang kilay, bukol sa ulo at posibleng bali sa kaliwang binti.

At si Gerry Rabuya, na nagtamo rin ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa nakakita sa pangyayari, nakahinto ang tricycle ng banggain ito ng motorsiklo.

Matapos lapatan ng paunang lunas si Estrella ay dinala na ito ng grupo sa Bulacan Medical Center.

Habang ang Balagtas Rescue Team naman ang nagdala kay Rebuya sa ospital.

Samantala tinulungan din ng UNTV News and Rescue ang isang nabagsakan ng kahoy sa ulo sa Roca Village, Burol First Balagtas Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Ruel Ilagan, 37- anyos na isang construction worker.

Ayon sa kaibigan ng biktima, bumagsak ang kahoy mula sa ginagawang bahay ni Ilagan, at aksidente tumama sa kanyang ulo.

Matapos bigyan ng first aid ay tumanggi nang magpadala sa ospital ang biktima.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,