Eksatong isang taon na sa ika-29 ng Disyembre 2018 ang pagkakasusipindi sa lisenysa ng French pharmaceutical giant na Sanofi Pasteur na ibenta ang Dengvaxia sa bansa.
Paliwanag ng DOH, posibleng palawigin pa ang ban sa kontrobersyal na anti-dengue vaccine lalo na’t kasalukuyan pang nireresolba ang pinsalang naidulot nito sa kalusugan ng Dengvaxia vaccinees, maging ang epekto nito sa health system sa bansa.
Matatandang pinatawan ng suspensyon ng Food and Drug Administration (FDA) ang Sanofi dahil sa hindi nito pagsusumite ng post-marketing authorization requirements.
Ibig sabihin, hindi nakapagsumite ng mga kaukulang dokumento ang Sanofi upang patunayan na ligtas ang kanilang produkto na maibenta sa merkado.
Ayon sa DOH, hindi rin matityak ng Sanofi ang kaligtasan ng Dengvaxia, lalo na’t ika-29 ng Nobyembre 2017 ang Sanofi mismo ang naglabas ng pahayag na hindi na maaaring ibakuna ang Dengvaxia sa mga seronegative o mga batang hindi pa nagkakaroon ng dengue dahil posibleng magkaroon ang mga ito ng severe dengue.
Ayon pa sa DOH, maging ang mga regulatory agencies sa mundo na nagbigay ng lisensya upang magamit ang Dengvaxia gaya ng Brazil ay nagtakda na rin ng regulasyon na hinidi na ito dapat ibigay sa mga batang hindi pa nagkakaroon ng dengue infection.
Batay sa pinakahuling findings ng Department of Health (DOH), nasa 24-25 na ang kaso sa mga batang nabakunahan ng Dengvaxia ay namatay dahil nagkaroon ng severe dengue.
Samantala, hinihintay rin ng DOH na maaprubahan sa bicam sa Kongreso ang supplemental budget para sa vaccinees mula sa refund na ibinalik ng Sanofi sa DOH na umabot sa P1.16 bilyong piso.
Sinabi naman ni DOH Undersecretary Eric Domingo na posibleng bago matapos ang taon ay maghahain na ng kaso ang Office of the Solicitor General laban sa French pharmaceutical giant kaugnay ng Dengvaxia controversy.
( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )
Tags: DOH, FDA, Sanofi Pasteur