Ban sa pagbabyahe ng poultry products mula Luzon patungong Visayas at Mindanao, inalis na ng DA

by Radyo La Verdad | August 23, 2017 (Wednesday) | 1769

Kinumpirma ng resulta ng pagsusuri mula sa Australia ang unang findings ng Department of Agriculture na Avian influenza o Bird flu virus nga ang umatake sa mga manok at iba pang uri ng ibonsa San Luis Pampanga.

Una nang sinabi ng kagawaran na negatibo ito sa strain na “N1” na nakakahawa sa tao at maghihintay na lamang ng tatlong araw upang malaman naman kung positibo ba ito sa “N6” stain na nakakahawa rin sa tao.

Sa ngayon ay inalis na ng DA ang ban o pagbabawal na ibyahe ang mga manok at iba pang poultry product palabas ng Luzon. Basta’t hindi lamang ito galing sa 7-km radius controlled zone sa San Luis, Pampanga, at mga bayan ng Jaen at sa Isidro sa Nueva Ecija. Kailangan lamang na kumuha ng certificate mula sa quarantine office ng Department of Agriculuture.

Nagpapasalamat naman ang mga poultry raiser sa bayan ng candaba sa pag-aalis ng ban. Bilyon man ang nalugi sa mga ito ay umaasa silang makakabawi na sila sa pamamagitan ng pag-aalis ng shipping ban.

 

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,