Ban sa minning hindi ipatutupad ng Duterte admin

by Radyo La Verdad | June 24, 2016 (Friday) | 1033

duterte
Nilinaw ng papasok na Duterte administration na hindi sila magpapatupad ng ban sa pagmimina sa bansa.

Ngunit muling nagbabala si President Elect Rodrigo Dutere na hindi siya magdadalawang isip na tanggalan ng permit ang mga mining company na nagsasagawa ng mapaminsalang paraan ng pagmimina.

Nais aniya ni Duterte na ma-i-angat ang kalidad ng responsible mining sa bansa gaya nang sa Canada at Australia.

Una nang sinabi ni Duterte na kailangang matiyak na napapangalagaan ang kalikasan at hindi maubos ang mga puno dahil lamang sa iresponsableng pagmimina.

(Nel Maribojoc/UNTV Radio)

Tags: ,