Maaari na muling magsagawa ng off-campus activities ang mga private at public higher education institutions matapos bawiin ng Commission on Higher Education ang pag-ban nito.
Bumuo ng panibagong polisiya ang CHED sa pamamagitan ng Memorandum Order no.63 para sa mga field trip o anumang activity sa labas ng campus. Bukod sa field trips, sakop na rin nito ang iba pang activities sa labas ng campus.
Isa sa nakapaloob sa bagong polisiya ang pagtatalaga ng personnel-in-charge para sa lahat ng activities, pagsasagawa ng registration, pagtiyak sa insurance, franchise at roadworthiness ng mga sasakyang gagamitin sa tranportasyon ng mga mag-aaral.
Dapat ding makipag-ugnayan ang management ng heis sa mga local government units hinggil sa pupuntahang lugar. Kinakailangang magsumite ang mga estudyante ng written consent mula sa kanilang magulang, medical clearance at magbigay ng alternative na activities para sa mga hindi makakapunta sa activity.
February 2017 nang ipatupad nang CHED ang 5-month moratorium sa off-campus activities dahil sa nangyaring trahedya sa field trip ng mga mag-aaral ng Bestlink College of the Philippines kung saan 15 ang nasawi at 40 ang nasugatan.
(Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent)
Tags: ban, CHED, college field trips