Balitang nagbabawal na mag-release ng spot report sa media, nilinaw ng PNP

by Radyo La Verdad | September 14, 2017 (Thursday) | 5517

Batay sa Standard Rules and Procedures ng PNP noong February 18, 2014, ipinagbabawal na makakuha ng kopya ng spot report ang media kung ang isang krimen ay kasalukuyang iniimbistigahan.

Ayon sa PNP, may mahahalagang impormasyon na nakasaad sa spot report na maaaring ikompromiso ang kaso.

Ayon kay PNP-PIO PC Supt. Dionardo Carlos, maaari pa rin namang makakuha ng impormasyon ang media sa pamamagitan ng press release at statements.

Subalit inamin ng PNP, karamihan ng mga pulis ay nagbibigay na lamang ng kopya ng spot report sa media dahil sa tinatamad na gumawa ng press release.

Sinabi naman ng PNP na ibang kaso ang pagtanggi ni Pangulong Duterte na mabigyan ng kopya ng case folder ang Commission on Human Rights.

 

(Mon Jocson / UNTV Corresponent)

 

 

 

Tags: , ,