Balikbayan box law, isusulong ni Sen. Recto

by Radyo La Verdad | August 25, 2015 (Tuesday) | 2623

RECTO
Kaugnay ng mga batikos sa ginawang pagbubukas ng Bureau of Customs sa mga balikbayan box

Isang panukalang batas ang isusulong ni Senator Ralph Recto na aamyenda sa umiiral na batas sa tax exemption value ng mga balikbayan box.

Ayon sa Senador, tatawagin niya itong Balikbayan Box Law

Sa batas ang dating $500 U-S dollars na tax exempt value sa mga balikbayan box ay gagawin ng $2,000 dollars.

Tinutukoy ni Recto ang BOC Memorandum Circular Number 7990 na inilabas noong 1990 na dapat ng baguhin

Naniniwala naman si Senador Sonny Angara, Chairperson ng Committee on Ways and Means na napapanahon ng baguhin ang polisiya ng customs ukol sa balikbayan boxes

Ilang senador narin ang nagnanais na paimbestigahan ang ginawang paghihipit ng BOC sa balikbayan box ng mga OFW.

Naniniwala sina Senador Grace Poe, Nancy Binay, Miriam Santiago at Cynthia Villar na dapat magpaliwanag ang Bureau of Customs ukol dito.

Umaasa rin si Senador Bam Aquino na magkakaroon ng pagdinig ukol dito

Si Senador Aquino ay una ng nagsusulong na itaas ang tax-exempt value sa balikbayan boxes ng hanggang sampung libong piso pero nabinbin ito

Ayon naman kay Senador Recto,dapat ay hindi na pahirapan pa ang mga ofw ukol sa kanilang mga balikbayan box dahil ang kanilang pagpapadala sa mga mahal sa buhay ay isang paraan upang mabawasan ng konti ang kalungkutan na nararansan sa ibang bansa.( Bryan de Paz / UNTV News)

Tags: ,