Balikbayan App, inilunsad ng Bureau of Customs

by Radyo La Verdad | July 13, 2016 (Wednesday) | 2209

MON_BALIKBAYAN-APP
Upang mabawasan ang napakaraming mga nagtatanong at tumatawag sa babayarang custom tax and duties ng mga balikbayan ay naglunsad ang Bureau of Customs ng Balikbayan App.

Isa itong mobile application na nagcocompute ng custom tax at duties na dapat bayaran ng isang galing sa ibang bansa.

Ayon sa batas, lahat ng mga gamit na binibili sa labas ng bansa ay pinapatawan ng buwis ng Bureau of Customs.

Kabilang dito ang bags, jewelry, game console, laptop, perfume, relo, sapatos at iba pa.

Gamit ang mobile app, ilagay lamang ang pangalan ng brand, piliin kung anong kategorya, ang quantity at halaga ng lahat ng mga biniling gamit.

I-save upang malaman kung magkano ang halaga ng tax at duties na dapat bayaran.

Ayon sa BOC, malaki ang maitutulong nito upang magkaroon agad ng ideya ang mga balikbayan sa halaga na dapat nilang bayaran.

Maisusulong rin nito ang transparency upang maiwasan ang korapsyon.

Upang mas mapakinabangan ang mobile app, pinapayuhan ang mga gagamit na ihanda na agad lahat n impormasyon gaya ng halaga ng biniling gamit para sa tax computation.

Ang Balikbayan App Tax Calculator ay available pa lamang sa android at di kalaunan ay maaari na ring madownload sa IOS devices.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,