‘Balikatan 2015’, magpapasimula na sa Lunes

by dennis | April 18, 2015 (Saturday) | 5440
Photo credit: UNTV News
Photo credit: UNTV News

Libo-libong sundalo mula sa Amerika at Pilipinas ang lalahok sa mas pinalawak na war games bilang bahagi ng “Balikatan Exercise” na magsisimula sa darating na Lunes, Abril 20.

Ang naturang war games ay magtatagal ng 10 araw. Mas dumoble ang bilang ng mga kalahok sa taunang pagsasanay para mapalawak ang kaalaman at karanasan sa pakikipagdigma ang dalawang magkaalyadong bansa.

Sa isang panayam sa media noong nakaraang linggo, sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino na ang “Balikatan Exercise” ay hindi para bigyan ng babala ang China kundi para tumugon sa kasunduan na bahagi ng Mutual Defense Treaty at ng Visiting Forces Agreement.

Nataon naman na gumagawa ngayon ng mga gusali, airstrip at iba pang imprastruktura ang China sa West Philippine Sea
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na plano nilang humingi ng tulong sa Washington para tugunan ang problema ng papalawak na operasyon ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo.(UNTV Radio)

Tags: , , , , , , , ,