Bakuna laban sa sakit na shingles, inilunsad

by Radyo La Verdad | April 20, 2016 (Wednesday) | 1738

dr.lilian-lopez-villafuerte
Siyamnaput-limang porsiyento ng mga indibidwal edad singkwenta pataas ay maaaring magkaroon ng sakit na shingles batay sa pagaaral ng mga eksperto.

Ang shingles ay isang uri ng impeksyon na kahalintulad ng bulutong o chickenpox, na nagmumula sa varicella zoster virus,kung saan nagkakaroon ng pamumula ng balat na pangkaraniwang tumutubo sa isang bahagi ng ating mga katawan.

Ayon sa pagaaral, ang mga sugat na dala ng shingles ay lubhang masakit o mahapdi na maaring tumagal ng halos 30 hanggang 90 araw.

Kung hindi ito maaagapan, maari itong magdulot ng ilang kumplikasyon gaya ng pagkabulag at bacterial infection sa utak na maaring ikamatay ng isang tao.

Bukod sa virus, pangakaraniwan ring nagkakaroon ng shingles ang isang tao na nakararanas ng labis na stress, may kidney disease, diabetic at mahina ang immune system.

Ngunit ayon sa mga doktor, hindi nakakahawa ang ganitong uri ng sakit.

Kaugnay nito, ipinakilala na ng ilang mga eksperto ang bakuna kontra shingles na makatutulong bilang proteksyon at upang mapigilan ang pagkakaroon ng ganitong uri ng sakit.

Sa kasalukuyan ang bakunang ito ay available na sa ilang pampubliko at pribadong ospital sa bansa.

Bawat indibidwal ay kinakailangang mabigyan ng isang shot ng bakunang ito, na nagkakahalaga ng mahigit sa pitong libong piso.

Sa oras na mabakunahan, tatagal ang immunity laban sa shingles, ng mula sampu hanggang labing-limang taon.

(Joan Nano/UNTV NEWS)

Tags: