Bakuna kontra japanese encephalitis, planong ilabas ng DOH sa susunod na taon

by Radyo La Verdad | August 18, 2017 (Friday) | 2314

Naaalarma na ang Department of Health sa pagtaas ng kaso ng japanese encephalitis sa bansa. Kaya naman maglalabas sila ng libreng bakuna kontra dito sa susunod na taon. Maikokonsiderang “incurable” ito nguni’t maaaring maiwasan kung nabakunahan kontra dito.

Ang japanese encephalitis ay isang mosquito-transmitted disease at kadalasang nakukuha sa sub-tropical countries sa Asya gaya ng Pilipinas. Sa pag-aaral ng WHO, tatlo ang namamatay sa bawa’t sampung severely infected ng japanese encephalitis.

Kadalasang biktima ay mga batang nasa edad limang taong gulang pababa. Nakararanas ng kombulsyon, problema sa pananalita, learning disability at behavioral problems ang isang apektado ng japanese encephalitis.

Kaya naman muling nagpapaalala ang DOH na alisin ang mga pinamumugaran ng lamok at protektahan ang sarili laban sa kagat nito.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,