Bakuna kontra Covid-19, posibleng magamit na sa bansa sa kalagitnaan ng 2021 kung may Emergency Use Authorization — FDA

by Erika Endraca | November 23, 2020 (Monday) | 2438

METRO MANILA – Ipinahayag ng Food and Drugs Administration (FDA) na posibleng mas maaga pa sa “Best Case Scenario” na second quarter ng 2021 ang pagdating ng Covid-19 vaccines sa Pilipinas

Ito ay kung mayroon nang pahintulot na mag-isyu ng Emergency Use Authorization ang pamahalaan

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, mapabibilis din ang regulatory review sa bansa ng isang potensyal na Covid-19 vaccine kapag may emergency use authorization ito ng FDA ng iba’t ibang bansa

“Once we are given the authority to issue an EUA (Emergency Authorization Use), the FDA will come up with the guidelines and the process saka yung requirements for application of an EUA.” ani FDA Director General, Usec. Eric Domingo.

Inihalimbawa ni Domingo ang mga potensyala na bakuna ng Pfizer, Moderna at Astrazeneca na may plano umanong mag- apply ng emergency use sa Amerika sa lalong madaling panahon.

“Kasi ang talagang nakikita natin itong ibang kumpanya katulad ng Pfizer, sina Moderna, sjna Astrazrneca, maaaring mag-apply na sila ng eua sa US-FDA by December ito yung projection nila. And usually once nakakuha na sila ng aporoval from US-FDA then they start applying also to other countries, so possible may mag-apply na rin sa atin. “ ani FDA Director General, Usec. Eric Domingo.

Tiniyak naman ng FDA na mahigpit nitong susuriin ang mga potensyal na bakuna kahit mabigyan ang mga ito ng Emergency Use Authorization .

Samantala nilinaw naman ng DOH na kahit may EUA na ang isang potensyal na bakuna, hindi ibig sabihin nito ay bibilhin na agad ito ng pamahalaan.

“Because we have to understand na ito pong mga bakuna in the advance stages in the market ay Mayroon pong pagkakaiba-iba sa presyo ng bakuna, pagkakaiba-iba sa mga storage requirements at pagkakaiba-iba sa pagbibigay ng mga bakuna na ito. Pag natapos lagat yan at nabigyan ng go-signal, that’s the time that we can procure.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,