Bakuna kontra Covid-19 mula sa 4 suppliers, target gamitin ng Pilipinas sa 1st quarter ng 2021

by Erika Endraca | December 18, 2020 (Friday) | 8409

METRO MANILA – Iprinisenta ng Malacañang kahapon (Dec. 17) ang updated na Philippine National Vaccine roadmap kung saan nasa preparation stage na ang gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa 1st  quarter ng 2021, 4 na Covid-19 vaccines ang inaasahang magagamit ng bansa sa vaccination program nito. 3 rito ay likha ng Chinese firms at ang isa ay galing sa Gamaleya Institute ng Russia.

“Pero inaasahan nga po natin na pagdating po ng first quarter ng 2021, mayroon na tayong apat na magagamit, posible po sana – Sinovac, Gamaleya, Sinopharm. Cansino;”ANI Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa 2nd quarter naman inaasahang darating ang Covid-19 vaccine ng Astrazeneca. At sa 3rd quarter ang mga bakunang likha ng Pfizer, Covax, Johnson and Johnson, Novavax at Moderna.

Batay sa pinakahuling pahayag ng Food and Drug Administration, sa kasalukuyan, wala pang pharmaceutical companies na nagsusumite ng kanilang Emergency Vaccine Use (EVU) applications.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,