Bakbakan sa pagitan ng AFP at Maute-ISIS sa Marawi City, mas matindi ngayon

by Radyo La Verdad | August 7, 2017 (Monday) | 3537

Patuloy na lumiliit ang pwersa ng ISIS-inspired Maute terrorist sa Marawi City ngayon.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, mas limitado na rin ang lugar na ginagalawan ng mga ito dahil sa unti-unti nang nababawi ng pamahalaan ang mga dating pinagkukutaan ng mga terorista.

Dahil dito, inaasahan ng AFP ang mas matinding mga labanan sa lugar.

Samantala base sa monitoring AFP, nasa loob pa ng Marawi City ang isa sa Maute brothers na si Abdula Maute at ang itinuturing na lider ng ISIS sa Asya na si Isnilon Hapilon.

Kaya naman sinelyuhan na ng militar ang lahat ng entry at exit point sa Marawi City.

Target ng AFP na tapusin ang labanan sa Marawi bago sumapit ang December  31.

 

 (Janice Ingente / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,