Posibleng abutin ng dalawang taon ang bail hearing ni Senador Jinggoy Estrada sakali patuloy na hindi magkasundo ang prosekusyon at depensa sa pagmarka ng mga ebidensya.
Ito ang pahayag ni Justice Roland Jurado, chairperson ng 5th Division ng Sandiganbayan,sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kahilingan ni Estrada na makapag-piyansa sa kasong plunder.
Humarap muli sa Korte ang Anti-Money Laundering Council Investigator na si Atty. Orlando Negradas Jr., ngunit bago pa man nito maihayag ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa mga bank accounts ni Sen. Estrada,pinigilan na ito ng mga mahistrado.
Ito ay sa dahilang bigo pa ring magkasundo ang prosekusyon at depensa sa pag-stipulate sa mga dokumento at ebidensya na may kinalaman sa AMLC report. (Joyce Balancio/UNTV News Senior Correspondent)
Tags: AMLC report, Justice Roland Jurado, Sandiganbayan, Senador Jinggoy Estrada