Baha sa malaking bahagi ng Vietnam, humupa na

by Radyo La Verdad | November 9, 2017 (Thursday) | 6099

Makapal na putik, mga basura, at mga sanga ng puno, ilan lamang ang mga iyan sa karaniwang makikita sa mga lansangan sa ilang lugar sa Vietnam matapos na humupa ang baha na idinulot ng typhoon Damrey.

Tumagal ng apat na araw ang pagbaha na nakaapekto hindi lamang ang pang-araw-araw na buhay ng mga residente kundi pati na rin sa turismo.

Kaya naman, upang makabalik na sa normal ay tulong-tulong ang mga ito sa pagsasayos ng mga nasira sa kanilang mga tahanan.

Ayon sa mga residente, matinding perwisyo ito lalo na at kinakailangan nilang maghanda dahil sa ginaganap na Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa bansa.

Samantala, sa pinakahuling tala ng mga otoridad ay mahigit walumpu ang nasawi dahil sa pananalasa ng typhoon Damrey dito sa Vietnam.

Halos dalawandaan ang mga sugatan habang may nawawala pa na nasa labingwalo.

 

( Rj Timoteo / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,