Baha sa malaking bahagi ng Bulacan, humupa na

by Radyo La Verdad | October 26, 2015 (Monday) | 1672

NESTOR_HUMUPA
Nadadaanan na ng lahat ng uri ng mga sasakyan ang mga pangunahing lansangan sa malaking bahagi ng Bulacan matapos na humupa na ang tubig sa baha kagabi.

Sa bayan ng Hagonoy, nakabalik na ang karamihan ng mga evacuee sa kanilang mga tahanan at nagsimula nang maglinis sa mga duming iniwan ng nakaraang pagbaha.

Sa barangay San Agustin naabutan pa naming abala sa paglilinis, paglilimas ng tubig at paghahakot ng basura ang mga residente.

Nililinis nilang mabuti ang paligid upang maiwasan ang iba’t ibang sakit na maaring idulot ng mga basura at natitirang tubig baha gaya ng pagdami ng lamok na maaring makapagdala ng dengue.

Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Mangement Council nasa 10 barangay sa bayan ng Hagonoy ang may baha na hindi pa tuluyang humuhupa ngunig mababa na ito kumpara noong katatapos lamang ng bagyong Lando.

Ang bayan na lamang ng Calumpit sa Bulacan ang nanatili pa ring may mataas na tubig baha dahil ito ang pinaka mababang lugar sa Bulacan.

Di pa rin makakadaaan ang mga light vehicle sa tulay ng Calumpit.

Samantala, wala pa ring pasok all levels sa bayan ng Hagunoy at Calumpit.
Muli namang nagpaalala ang Department of Health sa ating mga kababayan sa mga lugar na mayroon pa ring baha na mag ingat sa mga sakit na posibleng makuha dito gaya ng Lepthospirisis.

Sa ngayon balik normal na ang panahon kasabay ng mainit ng pagsikat ng araw.(Nestor Torres/UNTV Correspondent)

Tags: ,