Baha sa ilang lugar sa Cavite, humupa na

by Radyo La Verdad | July 24, 2018 (Tuesday) | 4197

Unti-unti nang humuhupa ang tubig baha sa ilang lugar sa Cavite matapos ang malakas na buhos ng ulan noong weekend.

Kabilang sa mga bumaba na ang water level ay ang mga bayan ng Emilio Aguinaldo Highway, Centennial Road, General Trias Drive at Tirona Hiway.

Ayon din sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nagsibalikan na rin sa kanilang bahay ang ilang residenteng lumikas kagabi. Wala namang naipaulat na nasawi o nasugatan sa kasagsagan ng bagyo.

Nananatiling namang nasa state of calamity ang buong lalawigan ng Cavite kung saan lubhang naapektuhan ang mga nasa coastal areas.

Sa ngayon ay puspusan ang isinasagawang clearing operation gaya na lamang sa bayan ng Noveleta na naghahanda na rin sa buhos ng ulan sa papasok na Bagyong Karding. Isa sa mga nililinis nila ay ang mga drainage system sa kanilang bayan.

Sakaling mangailangan naman ng tulong ay maaaring tumawag sa Cavite PDRRMO hotline 419-3354 / 419 1652 o mag text sa cellphone numbers na 0917-524-2952 / 0998-889-1407.

 

( Benedict Samson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,