Baha sa Hagonoy, Bulacan pinangangambahan matatagalan pa bago humupa

by Radyo La Verdad | December 22, 2015 (Tuesday) | 3152

NESTOR_BAHA
Labing lima sa dalawamput anim na barangay sa Hagonoy Bulacan ang nanatiling lubog pa rin sa baha tatlong araw na nakalilipas mula ng magpakawala ang Angat, Ipo at Bustos dam matapos umabot ang mga ito sa spilling level sanhi ng mga pag-ulang dala ng bagyong Nona.

Pinangangambahan namang mas tataas pa ang baha matapos na magpakawala muli ng tubig ang Angat dam kagabi.

Kabilang sa mga apektadong barangay ay ang San Miguel, San Isidro, San Pedro Abulalas, San Juan,San Miguel, Palapat, Sta Lucia, San Jose, San Pablo, Sta Monica, San Sebastian, Iba-Ibayo, Carillo, Iba at Tampok.

Kaya naman pahirapan ang makatawid ang mga pupunta sa pamilihang bayan ng hagonoy at papalabas ng bayan galing sa hangga o boundary ng Hagonoy at Paombong.

Tanging mga malalaking sasakyan lamang ang nakakadaan, kaya ang ilan nakikisakay lamang sa mga nagdadaang truck upang makadaan sa baha.

Doble ang pasahe kung sasakay sa bangka, kung sa jeep ay kinse pesos lamang, sa bangka ay 3o pesos.

Ayon naman sa mga may ari ng bangka, hindi naman lugi ang mga pasahero ng bangka, dahil mahirap rin ang kanilang ginagawa.

Samantala animnapung porsyento naman ng palaisdaan sa bayan ang lubog sa baha.

Bunsod nito, bumaba ang presyo ng bentahan ng bangus at hipon.

Ang maliliit na bangus na dating 70 pesos kada kilos, ngayon 50 pesos nalang, ang malalaking bangus naman na100 ngayon eighty pesos ang kilo.

Habang ang hipon na dating 300 ngayon 200 na lamang.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,