Baha sa Cagayan de Oro City, humupa na

by Radyo La Verdad | December 25, 2017 (Monday) | 4866

Kasabay ng pagtigil ng malakas na ulan na dala ng bagyong Vinta ay ang paghupa ng tubig baha at pagbalik sa normal ng water level ng mga ilog sa Cagayan de Oro City.

Ngunit nananatili pa rin sa mga evacuation centers ang nasa two thousand four hundred na mga residenteng lumikas sa kasagsagan ng bagyo noong Biyernes. Iniwan din ni Vinta ang makapal na putik sa syudad sa labas ng mga kalsada at maging sa loob ng bahay ng mga residente.

Kaya naman, nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro sa lahat ng mga maaring magvolunteer para sa isasagawa nilang Mud Brigade bukas, Dec 26.

Ang mga volunteer ang tutulong sa paglilinis sa mga tahanang pinasok ng putik ngunit maari pa ring matirhan ng mga may-ari. Kagaya na lamang sa brgy. Macabalan na isa sa mga lubhang napinsala ng flashflood.

Bukod sa Mud Brigade tuloy-tuloy din ang pamamahagi ng relief goods sa mga apektadong residente.

Bukod dito ay umaasa naman ang karamihan ng mga nasalanta ng bagyong Vinta na makatanggap ng karagdagang mga tulong mula sa pamahalaan upang makabangon mula sa sinapit na kalamidad

 

( Jacky Estacion / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,