Humina ang Bagyong “Yutu” habang ito ay papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Namataan ito ng PAGASA kaninang alas quatro ng madaling araw sa layong 2,120km sa silangan ng Central Luzon.
Taglay nito ngayon ang lakas ng hangin na 180km/h at pagbugso na aabot sa 220km/h. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20km/h.
Posibleng pumasok ito ng PAR sa Sabado at papangalanan itong Rosita.
Base sa forecast track ng PAGASA, posibleng maglandfall o tumama ang sentro ng bagyo sa Cagayan sa Martes o Miyerkules.
Sa ngayon ay nakakaapekto sa Northern Luzon ang northeasterly surface windflow o hangin na galing sa northeast.
Base sa forecast ng PAGASA, makararanas ng papulo-pulong pag-ulan ang Ilocos Region, Cordillera at Cagayan Valley Region.