Bagyong Urduja, inaasahang lalabas na ng PAR sa ngayong umaga o tanghali

by Radyo La Verdad | December 19, 2017 (Tuesday) | 7138

Inaasahang papalabas na ng Philippine Area of Responsibillity o PAR ang bagyong Urduja  ngayong umaga o tanghali ayon sa  Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Napanatili ng bagyong Urduja ang lakas nito na hanging aabot sa fourty five kilometers per hour at pagbugsong aabot sa sixty kilometers per hour.

Huli itong namataan sa 240 kilometers West Northwest ng Puerto Princesa City, Palawan. Kumikilos ang bagyo sa bilis na labing walong kilometro bawat oras sa direksyong kanluran timog-kanluran. Sa ngayon, inalis na ang storm warning signal number one sa Palawan.

Samantala, ang low pressure area naman na binabantayan ng PAGASA sa labas ng PAR ay huling namataan sa 1,395 kilometers Silangan ng Mindanao.

 

Tags: , ,