Makararanas ng good weather ang malaking bahagi ng bansa ngayon araw dahil wala pa ring epekto sa bansa ang Bagyong Tomas.
Namataan ito ng PAGASA kaninang 3am sa layong 1,410km sa silangan ng Aparri, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hangin na 110km/h at pagbugso na aabot sa 135km/h.
Halos hindi ito lumalayo sa boundary ng Philippine area of responsibility (PAR) ngunit umuusad naman pa-northwest sa bilis na 10km/h.
Umiiral naman ngayon ang amihan na magdudulot ng mahinang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley Region.
Babala naman ng PAGASA, matataas ang mga pag-alon sa eastern seaboards ng Luzon at northern seaboard ng Northern Luzon.
Mapanganib ito para sa mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat.
Tags: Bagyong Tomas, PAGASA, PAR