Patungo na sa Sulu Sea ang Bagyong Samuel. Namataan ito ng PAGASA kaninang 1pm sa layong 70km sa west southwest ng Iloilo City, Iloilo.
Taglay nito ngayon ang lakas ng hangin na 45km/h at pagbugso na aabot sa 70km/h. Kumikilos ito pa-west southwest sa bilis na 40km/h.
Ayon sa PAGASA, nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal #1 sa Romblon, Southern Oriental Mindoro, Southern Occidental Mindoro, Palawan, kasama ang Calamian at Cuyo Groups of Islands, Northern Cebu, Northern Negros Occidental, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan at Antique.
Ayon sa PAGASA, makararanas pa rin ng malalakas na pag-ulan na posibleng magdulog ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, Aurora, Camarines Norter, Camarines Sur at Catanduanees.
Sa mga susunod na oras ay tinatayang dadaan naman sa Palawan ang bagyo bago ito tuluyang lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa Biyernes.
Tags: Bagyong Samuel, PAGASA, Sulu Sea