Bagyong Salome, palayo na ng bansa; tropical cyclone warning signal, nakataas parin sa 4 na lalawigan

by Radyo La Verdad | November 10, 2017 (Friday) | 3800

Napanatili ng bagyong Salome ang taglay nitong lakas. Huli itong namataan ng PAGASA sa layong 90km sa west southwest ng iba, Zambales.

Taglay ang nito ang lakas ng hangin na 65kph at pagbugso na aabot sa 100kph. Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 20kph.

Nakataas parin ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Cavite, Batangas, Bataan at Zambales.

Makakaranas parin sa lugar ng mga  pagbugso ng hangin at pag-ulan na maaaring magdulot ng mga pagbaha at landslide.

Makakaranas naman ng mahina hanggang sa katamtaman at kung paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan sa metro manila at iba pang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, bukas ng umaga ay inasahang lalabas ng ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Salome.

 

Tags: , ,