Bagyong Rosita, nananalasa pa rin sa Northern at Central Luzon

by Radyo La Verdad | October 30, 2018 (Tuesday) | 2829

Napanatili pa rin ng Typhoon Rosita ang taglay nitong lakas habang nananalasa sa Northern at Central Luzon.

Dakong ala-una ng hapon ay namataan ito ng PAGASA sa vicinity ng Sablan, Benguet.

Taglay nito ngayon ang lakas ng hangin na 140km/h at pagbugso na aabot sa 230km/h. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20km/h.

Ayon sa PAGASA, tatawirin ni Rosita ang Benguet, La Union at Pangasinan sa mga susunod na oras.

Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 3 sa Ifugao, Nueva Vizcaya, Benguet, Mountain Province, Ilocos Sur, Pangasinan at La Union.

Signal number 2 naman sa Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Ilocos Norte, Apayao, Abra, Kalinga, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales at Pampanga.

Nakataas naman ang signal number 1 sa Babuyan Group of Islands, Bulacan, Northern Quezon, kasama ang Polillo Island, Bataan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Laguna at Batangas.

Posible pa ring magkaroon ng storm surge o pagtaas ng lebel ng tubig sa mga coastal areas ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union at Pangasinan ng hanggang 3 metro.

Inaasahang lalabas na ng landmass ng Pilipinas ang mata ng bagyo ngayong ika-2 hanggang ika-4 ng hapon at bukas naman ng gabi lalabas sa Philippine area of responsibility (PAR).

 

Tags: , ,