Bagyong Rosita, inaasahang lalabas na ng PAR ngayong araw

by Radyo La Verdad | October 31, 2018 (Wednesday) | 4617

Inalis na ng PAGASA ang tropical cyclone warning signal sa anomang bahagi ng bansa dahil sa patuloy na paglayo ng Bagyong Rosita.

Base sa 4am bulletin ng PAGASA, nasa 210km sa northwest ng Dagupan City, Pangasinan ang sentro ng Bagyong Rosita.

Humina na lamang ang taglay nitong hangin sa 100km/h at pagbugso na aabot sa 120km/h, habang hindi halos umuusad sa kanyang kinaroroonan.

Mamayang hapon ay posibleng lumabas na ito ng Philippine area of reponsibility (PAR).

Ngayong araw ay makakaranas pa rin ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Ilocos Region, Cagayan Valley, CAR at Central Luzon.

Makararanas naman ng bahagyang ma-ulap hanggang sa ma-ulap na papawirin ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa na may papulo-pulong pag-ulan o thunderstorms.

Mapanganib pa rin ng pumalaot sa buong baybayin ng Northern Luzon at kanlurang baybayin ng Central at Southern Luzon dahil sa taas ng mga pag-alon.

 

Tags: , ,