Humiha ang Bagyong Queenie habang inaasahan naman na lalabas na ito ng Philippine area of responsibility (PAR) bukas.
Namataan ng PAGASA ang bagyo kaninang 3am sa layong 670km sa east northeast ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 160km/h at pagbugso na aabot sa 185km//h. Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 20km/h.
Ayon sa PAGASA, apektado ng trough o extension ng Typhoon Queenie ang Central at Eastern Visayas, Northern Mindanao at Caraga Region kung saan mararanasan ang kalat-kalat na pag-ulan.
Good weather naman sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa subalit may posibilidad pa rin ng pagkakaroon ng papulu-pulong pag-ulan.
Tags: Bagyong Queenie, PAGASA, PAR