Bagyong Queenie, hindi na inaasahang tatama sa bansa

by Radyo La Verdad | October 2, 2018 (Tuesday) | 3039

Lalo pang lumakas ang Bagyong Queenie na namataan ng PAGASA kaninang 4am sa layong 1,250km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 190km/h at pagbugso na aabot sa 235km/h. Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 15km/h.

Base sa forecast ng PAGASA, apektado ng trough o extension ni Queenie ang Cagayan Valley Region, Bicol, Eastern Visayas at mga lalawigan ng Aurora at Quezon kung saan mararanasan ang kalat-kalat na pag-ulan.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng good weather na may posibilidad ng papulo-pulong pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, hindi na inaasahang tatama pa ang Bagyong Queenie sa bansa dahil tinatahak nito ang direksyong papunta sa northern part ng Taiwan at China.

Sa Biyernes ay posibleng lumabas narin ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyo.

Mapanganib pa ring pumalaot ang mga sasakyang pangisda at maliliit na sasakyang pandagat sa northern seaboard ng Northern Luzon dahil sa taas ng mga pag-alon na dulot ng bagyo.

 

 

Tags: , ,