Bagyong papangalanang Lawin, inaasahang papasok sa PAR ngayong araw

by Radyo La Verdad | October 17, 2016 (Monday) | 1096
Photo credit: windytv.com
Photo credit: windytv.com

Inaasahang papasok na sa Philippine Area of Responsibility ngayong araw ang bagyong papangalanang Lawin.

Namataan ito ng PAGASA sa layong 1,430km sa silangan ng Visayas.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 130kph at pagbugso na aabot sa 160kph.

Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 10kph.

Ayon sa PAGASA posibleng sa Miyerkules ay tumama ang mata ng bagyo sa Cagayan area kaya’t inaasahang maaapektuhan nito ang malaking bahagi ng Northern Luzon.

Samantala, nasa West Philippine Sea na ang Bagyong Karen o Sarika sa kanyang international name.

Kaninang 4am ay namataan ito sa layong 565km kanluran ng Dagupan.

Patungo na ito sa China at Vietnam at wala na itong direktang epekto sa bansa.

Makararanas na lamang ng hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Ilocos Region, Cordillera at Cagayan Valley at mga probinsya ng Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Mindoro, Negros at Cebu.

May mga thunderstorms din sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Tags: ,