Bagyong papangalanang Dante, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong araw

by Radyo La Verdad | April 25, 2017 (Tuesday) | 5195
Photo credit: windytv.com

Inaasahang papasok mamayang hapon o gabi sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong papangalanang Dante.

Namataan ito ng PAGASA kaninang 4am sa layong 1,460km sa silangang ng Visayas.

Taglay ang lakas ng hangin na 55kph at pagbugso na aabot sa 65kph.

Kumikilos ito pa west northwest sa bilis na 18kph.

Ayon sa PAGASA, hindi inaasahang tatama o magla-landfall sa bansa ang bagyo dahil sa paglakas ng high presure area.

Posible rin itong agad na humina habang tinatahak ang direksyong patungon Japan.

Sa ngayon ay makararanas na maaliwalas na panahon ang malaking bahagi ng bansa na may papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.

Tags: , ,