Isa nang ganap na Typhoon ang bagyong Paolo. Kaninang 3am ay namataan ito ng PAGASA sa layong 765 km east of Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 120kph at pagbugso na aabot sa 145kph. Kumikilos ito pa-north northwest sa bilis na 17kph.
Maliit parin ang tsansa na direkta itong tumama o maglandfall sa bansa subalit sa mga susunod na araw at posibleng makaapekto ang gilid na bahagi ng ulap nito.
Maaari din nitong hatakin ang isang low pressure area na nasa 260km sa west northwest ng Puerto Princesa City, Palawan kaya inaasaang dadaan ang LPA sa pagitan ng Southern Luzon at Visayas.
Sa ngayon ay makararanas ng mga pag-ulan na paminsan-minsan ay malalakas sa Metro Manila, Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Tags: bagyong Paolo, Eastern Samar, Guiuan, PAGASA