Mabagal pa ring umuusad pa hilaga ang Bagyong Paeng.
Kaninang 4am ay namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 750km sa silangan ng Basco, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hangin na 160km/p at pagbugso na aabot sa 195km/h.
Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ang bagyo sa bansa at maliit ang posibilidad na tumama ito sa anomang bahagi ng Pilipinas.
Base sa forecast track ng PAGASA, posibleng tahakin ng bagyo ang direksyong patungo sa northeast ng Taiwan at dederetso sa katimugang bahagi ng Japan.
Base naman sa forecast ng PAGASA, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga Region dahil sa epekto ng habagat na pinalalakas ni Paeng.
Posibleng magdulot ng mga pagbaha at landslide sa mga nasabing lugar.
Makararanas naman ng good weather ang iba pang lugar sa bansa kasama na ang Metro Manila subalit may posibilidad din na magkaroon ng papulo-pulong pag-ulan.
Mapanganib pa rin ng pumalaot sa northern seaboard ng Northern Luzon at eastern seaboards ng Luzon at ng Visayas dahil sa taas ng mga pag-alon.
Tags: Bagyong Paeng, Metro Manila, PAGASA