Bagyong Paeng, humina at bumagal ang pag-usad

by Radyo La Verdad | September 26, 2018 (Wednesday) | 3553

Bumagal at humina si Typhoon Paeng.

Kaninang alas tres ng madaling araw ay namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong 725km sa silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ngayon ang lakas ng hangin na aabot sa 170kph at pagbugso na aabot sa 210kph.

Base sa forecast track ng PAGASA, maliit pa rin ang posibilidad na mag-landfall si Paeng sa bansa at posibleng umakyat ito pa-norte patungo sa katimugang bahagi ng Japan.

Base sa forecast ng PAGASA, makakaranas ng good weather ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw subalit sa Biyernes ay maaaring magkaroon ng mga pag-ulan sa Northern Luzon.

Mapanganib naman na pumalaot sa silangang baybayin ng bansa at sa northern seaboard ng Northern Luzon dahil sa taas ng mga pag-alon na dulot ni Paeng.

Tags: , ,