Bagyong Onyok, walang iniwang pinsalang sa lalawigan ng Cebu

by Radyo La Verdad | December 22, 2015 (Tuesday) | 1669

GLADYS_NO-MAJOR-DAMAGE
Noong nakaraang linggo ay nakaranas ng malakas na pag-ulan at pabugsu-bugsong lakas ng hangin ang Cebu dahil sa bagyong Onyok.

May iilang pasahero at sasakyang pandagat ang na-stranded sa Cebu port.

Matapos ang bagyo, agad na nilibot ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ang buong lalawigan upang alamin ang naging pinsala nito.

Kaya noong Sabado at linggo ay minabuti ng PDRRMO na libutin ang probinsya ng Cebu upang tingnan at alamin ang mga pinsalang naiwan ng bagyo.

Batay sa assessment ng PDRRMO, walang tinamong major damages ang lalawigan mula sa bagyong Onyok.

Ayon kay PDRRMO Head Baltazar Tribulano, malaki ang naitulong ng kooperasyon Ng Local Government Units, Philippine Coastguard-Cebu station at iba pang mga ahensya upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Idinagdag din nito na walang anomang aksidenteng naitala kaugnay ng bagyo.

Nagpapasalamat din ang PDRRMO sa mga Cebuano sa pagtugon at pagsunod sa kanilang mga naging abiso kaugnay sa pagtama ng bagyong Onyok sa bansa.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,