Bagyong Odette, nananalasa sa Northern Luzon

by Radyo La Verdad | October 13, 2017 (Friday) | 3159

Bahagyang lumakas ang bagyong Odette habang nananalasa sa Northern Luzon. Kaninang ika-7 ng umaga ay namataan ito ng PAGASA sa vicinity ng Calanasan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 75kph at pagbugso na 120kph. Kumikilos ito pa-west southwest sa bilis na 24kph.

Nakataas ngayon ang signal number 2 sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan Group of Islands, Apayao at Ilocos Norte. Makararanasa ng masungit na lagay ng panahon sa mga nasabing lugar.

Ang signal number 1 naman ay nakataas sa Isabela, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Sur, La Union at Benguet.

May mga pag-ulan at pagbugso ng hangin na mararanasan din sa mga nasabing lugar. Mapanganib parin na pumapalot sa mga baybayin ng Northern Luzon dahil sa taas ng mga pag-alon.

Mamayang gabi o bukas ay posibleng lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Odette.

 

 

Tags: , ,