Pangalawa na ang “Nona” sa pangalan ng mga bagyong papalitan o idedekomisyon ng pagasa ngayong taon dahil halos 5 bilyong piso ang halaga ng iniwan nitong pinsala sa mga ariarian sa bansa.
Una dito ay pinalitan ang bagyong Lando ng “Liwayway” na nanalasa sa bansa noong Oktubre dahil halos p10b ang halaga ng pinsalang nilikha nito sa Luzon.
Ayon sa PAGASA, kapag umabot sa P1 billion ang pinsala ng isang bagyo o kaya’y umabot sa 300 ang namatay ay inaalis ito sa kanilang listahan.
Noong 2014 ay 5 bagyo ang inalis din sa listahan.
Si Glenda, Jose, Mario, Ruby at Senyang.
Noong 2013 naman ay inalis din si Yolanda, Santi at Labuyo.
Inalis din si Pablo noong 2012 at Sendong noong 2011.
Paguusapan pa ng mga opisyal ng ahensya kung ano ang pangalang ipapalit kay Nona.
Sa datos ng Department of Agriculture, mahigit sa P3 billion ang pinasala sa agrikultura at pinakamalaki ay sa pananim na mais, palay at high value crops.
(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)
Tags: Bagyong Nona, listahan, PAGASA, pangalan ng bagyo
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com