Bagyong Maymay, nakalabas na ng PAR

by Radyo La Verdad | September 3, 2018 (Monday) | 1751

Nakalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Maymay.

Huli itong namataan ng PAGASA sa layong 1,330km sa silangan-hilagang-silangan ng dulong Hilagang Luzon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 180kph at pagbugso na aabot sa 220kph. Kumikilos ang bagyo pa-north northwest sa bilis na 20kph.

Ayon sa PAGASA, walang direktang epekto si Maymay sa Pilipinas subalit bahagya nitong hinahatak ang habagat na siyang nakakaapekto naman sa bansa.

Base sa pagtaya ng ahensya, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila, Pangasinan, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Mimaropa, Zamboanga Peninsula at Visayas.

Babala ng PAGASA, maaaring magdulot ng mga pagbaha at landslide ang mararanasang mga pag-ulan.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay makararanas ng maaliwalas na panahon na may papulo-pulong ulan.

 

Tags: , ,