Lumakas pa ang bagyo na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility na may international name na “Maria”.
Namataan ito ng PAGASA sa layong 2,210km sa silangan ng Visayas. Taglay nito ang lakas ng hangin na 75kph at pagbugso na aabot sa 90kph habang mabagal namang umuusad.
Ayon sa PAGASA, sa Linggo ay posibleng pumasok na ito sa PAR at papangalanang “Gorio”. Maliit pa rin ang posibilidad na mag-landfall o tumama ito sa anomang bahagi ng bansa.
Samantala, makararanas naman ng mga pag-ulan na posibleng magdulot ng pagbaha at landslides ang Palawan, Mindoro at Visayas dahil sa epekto ng habagat.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon din ng mga thunderstorm.
Ang araw ay sumikat alas-6:16 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:32 ng hapon.
( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )
Tags: Bagyong Maria, PAGASA, PAR