Bagyong Maring, inaasahang magla-landfall sa Quezon-Aurora area mamayang hapon

by Radyo La Verdad | September 12, 2017 (Tuesday) | 1853

Patuloy na gumagalaw patungo sa Quezon-Aurora area ang tropical depression “Maring”. Sa pinakahuling tala ng PAGASA kaninang ala una ng madaling araw, namataan ang mata ng bagyo walumpu’t limang kilometro hilaga-hilagang kanluran ng Daet, Camarines Norte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugsong nasa 60 kilometers per hour. May bilis ito na 13 kilometers per hour at inaasahang maglalandfall sa Quezon Aurora area mamayang hapon.

Nakataas ang signal number 1 sa Metro Manila, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Northern Quezon kabilang ang Polilio Islands, Rizal, Bulacan, Pampanga, Quirino, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pangasinan at Aurora.

 

Tags: , ,