Mas lumakas pa ang bagyong “Maring” habang papalabas ito ng Philippine Area of Responsibility.
Sa pinakahuling tala ng PAGASA, alas onse kagabi, namataan ito sa layong 145 kilometers West Southwest ng iba Zambales.
Taglay nito ang lakas na 75 kilometers per hour at may pagbugsong nasa 90 kilometers per hour. Kumikilos ito patungong West Northwest sa bilis na 15 kilometers per hour.
Inaasahang magdudulot pa rin ito ng bahagya hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Zambales at Bataan area, gayundin sa Tarlac, Pampanga at Bulacan.
Tinatayang lalabas si bagyong “Maring” sa PAR mamayang gabi o bukas ng umaga.
Tags: Bagyong Maring, PAGASA, PAR