Bagyong Mangkhut, nag-iwan ng malawak na pinsala sa Hongkong

by Radyo La Verdad | September 18, 2018 (Tuesday) | 7032

Inumpisahan na ng mga awtoridad sa bansang Hongkong ang clearing operation sa mga kalat na iniwan ng pagbayo ng Bagyong Mangkhut. Ito ang itinuturing na pinakamalakas na bagyo na tumama sa Hongkong sa nakalipas na ilang taon.

Ang mga coastal town ng Heng Fa Chuen na isang residential state sa Hongkong ang isa sa lubhang tinamaan ng bagyo. Nagkalat sa daan ang mga kalat at mga bato mula sa mga nasirang gusali.

Nawalan ng supply ng tubig sa lugar kung kayat kinakailangang mag-igib ng tubig ang mga tao gamit ang mga container.

Sa buong Hongkong, isang malakihang clearing operation ang isinagawa ng pamahalaan kasama sa mga inaalis ay ang mga kawayan na ginagamit na scaffolding ng mga gusali. Nasa anim na raang mga kalsada sa Hongkong ang hindi madaanan dahil sa mga nakahambalang na mga bumagsak na puno.

Karamihang mga shopping malls ay sarado at under repair at nanatiling suspendido pa rin ang ilang transportasyon sa bansa.

Unti-unti namang nakakabalik na ang operayson sa mga paliparan matapos itong mag shutdown noong Linggo.

Samantala, libo-libong mga commuter ang nagsiksikan sa mga train station matapos manalasa ang Bagyong Mangkhut, karamihan ay mga empleyado na balik trabaho na simula kahapon.

Ayon sa mga stranded na commuter, hindi nila malaman kung saan pipila dahil sa dami ng mga tao sa subway.

Si Bagyong Mangkhut ay nanalasa sa Hongkong matapos nitong bayuhin ang Hilagang Luzon nitong weekend.

 

( Ferdie Petalyo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,