Bagyong Karen, posibleng tumama sa Aurora-Isabela area sa weekend

by Radyo La Verdad | October 13, 2016 (Thursday) | 1476
Photo credit: windytv.com
Photo credit: windytv.com

Bahagyang lumakas ang Bagyong Karen habang papalapit ito sa bansa.

Namataan ito ng PAGASA sa layong 565km sa silangan ng Catarman, Northern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging na 55kph at pagbugso na aabot sa 70kph.

Kumikilos ito pa-west northwest sa bilis na 11kph.

Ayon sa PAGASA malaki ang tsansa na tumama ito sa Isabela-Aurora area sa linggo.

Sa ngayon ay wala pang nakataas na tropical cyclone warning sa anumang bahagi ng bansa subalit magdudulot na ng malalakas na pagulan na posibleng magdulot ng pagbaha at landslide sa Eastern Visayas at Bicol Region.

Mahina hanggang sa katamtamang pagulan naman ang mararanasan sa MIMAROPA, CALABARZON, nalalabing bahagi ng Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at CARAGA Region.

Magkakaroon din ng papulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog o thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.

Tags: , , ,