Napanatili ng Bagyong Karding ang taglay nitong lakas habang nasa Philippine area of responsibility (PAR). Namataan ito ng PAGASA sa layong 1,150km sa silangan ng Calayan, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hangin na 55kph at pagbugso na aabot sa 65kph.
Ayon sa PAGASA, halos hindi ito umuusad subalit sa mga susunod na oras ay inaasahang mas lalayo pa ito sa bansa patungong Japan.
Sa ngayon ay apektado naman ng amihan ang malaking bahagi ng bansa. Makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Western Visayas at halos buong Luzon liban na sa Cagayan Valley.
May papulo-pulo ding pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao.
Si Karding ay pang labing isang bagyo na pumasok sa PAR ngayong 2018.
Tags: Bagyong Karding, PAGASA, PAR