Nakalabas na ng PAR ang bagyong Huaning. Huli itong namataan ng PAGASA kaninang ala syete ng umaga sa layong 750km North Northwest ng Basco, Batanes.
Samantala, apektado parin ng habagat ang western section ng Northern at Central Luzon.
Makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pagulan ang Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley at mga lalawigan ng Zambales at Bataan.
Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng mga pag-ulan, pagkidlat at pagkulog.
Mapanganib pa rin ang pumalaot sa mga baybayin ng Northern Luzon at Western Seaboard ng Central Luzon dahil sa taas ng mga pag-alon na maaaring umabot sa 4.5 meters.
Tags: Bagyong Huaning, PAGASA, PAR