Napanatili ng Bagyong Henry ang taglay nitong lakas habang papalayo sa bansa. Namataan ito ng PAGASA kaninang ika-7 ng umaga sa layong 230km sa kanluran ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 60kph at pagbugso na aabot sa 75kph. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25kph.
Sa ngayon ay nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Babuyan Group of Islands at northern portion ng Ilocos Norte. Makakaranas pa rin ng mga pag-ulan at pagbugso ng hangin sa mga nasabing lugar.
Inalis na ng PAGASA ang babala ng bagyo sa iba pang lugar ng northern Luzon.
Samantala, pinalalakas pa rin ng bagyo ang habagat na magpapaulan naman sa western section ng Luzon at Visayas.
Maaaring makaranas ng mga pagbaha at pagguno ng lupa sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro Provinces, Palawan at Western Visayas. May kalat-kalat ding pag-ulan sa nalalabing bahagi ng bansa.
Isang low pressure area (LPA) naman ang namataan ng PAGASA sa layong 780km sa silangan ng Infanta, Quezon.
Sa loob ng 2 araw ay maaaring maging bagyo ang panibagong weather system na ito.
Tags: Bagyong Henry, PAGASA, PAR