Nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Florita, may international name na Prapiroon.
Namataan ito ng PAGASA sa layong 825km sa silangan ng dulong Hilagang Luzon.
Hinahatak pa rin ng bagyo ang southwest monsoon na nakakaapekto sa western section ng Luzon at Western Visayas.
Base sa forecast ng PAGASA, makararanas ng mga pag-ulan na posibleng magdulot at pagbaha at landslide sa Bataan, Zambales, Palawan, Mindoro, Romblon at Western Visayas.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas din ng biglaang pag-ulan o thunderstorms.
Ayon sa PAGASA, 2 hanggang 4 na bagyo ang posibleng pumasok sa PAR ngayong buwan ng Hulyo.
Tags: Bagyong Florita, PAGASA, PAR