Bagyong Ester, palalakasin pa rin ang habagat na magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

by Radyo La Verdad | June 15, 2018 (Friday) | 3521

Nasa loob pa rin ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Ester. Namataan ito ng PAGASA kaninang 3:00am sa layong 320km sa north northwest ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55kph at pagbugso na aabot sa 90kph. Kumikilos ito pa northeast sa bilis na 13kph.

Sa ngayon ay inalis na ng PAGASA ang tropical cyclone warning signal sa anomang bahagi ng bansa. Hindi na ito inaasahang tatama sa Pilipinas dahil patungo na ito sa Japan pagdaan sa Taiwan.

Subalit makakaapekto pa rin ang habagat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Tarlac, Pampanga, Bataan at Zambales. Maaaring bumaha sa mga nabanggit na lugar gayun din sa mabababang lugar sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, at ng Central Luzon.

Magiging maaliwalas ang panahon sa Bicol Region, Visayas at Mindanao pero may posibilidad pa rin ng pagkakaroon ng thunderstorsm.

Mapanganib na pumalaot ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybayin ng Northern Luzon at western seaboard ng Central Luzon dahil sa taas ng mga pag-alon.

 

Tags: , ,