Napanatili ng bagyong Dodong ang lakas at direksyon nito kaninang alas-10:00 ng umaga.
Batay sa datos ng PAGASA-DOST, ang sentro ng bagyong Dodong ay namataan sa layong 480km silangan hilagang silangan ng Borongan, Eastern Samar.
May taglay itong lakas na 150 kph malapit sa gitna at pagbugso ng hangin na hanggang 185 kph.
Ang bagyo ay tinatayang maglalakbay sa bilis na 17 kph pa-direksyong kanluran hilagang kanluran.
Samantala, nakataas pa rin ang signal number 1 sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Polillo Island at Northern Samar.
Tags: Bagyong Dodong, PAGASA-DOST